Sumampa na sa ₱620 million ang iniyal na halaga ng pinsala sa agrikultura na iniwan ng bagyong Uwan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ito ay kinabibilangan ng ₱174 million sa palay, ₱9million sa mais, high value crops na ₱418 million, fisheries ₱3.4 million, farm infrastractures na ₱14.8 million, farm machineries na ₱321, 000, at fish cage na ₱54,000 as of November 17, 2025.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Assistant Mary Kristin Olog ng Nueva Vizcaya, sinabi niya na maliban sa agrikultura ay umabot na rin sa mahigit ₱3, 900, 000 ang inisyal na kabuuang pinsala sa imprastraktura na iniwan ng bagyong Uwan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ito ay kinabibilangan ng 20,000 initial reported damage houses, roads and bridges, powerlines, buildings, at mga paararalan.
Dahil sa lawak ng iniwalang pinsala ng naturang bagyo ay bumuo ng task force ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya para sa rehabilitasyon ng iniwang pinsala ng bagyo sa pangunguna ni King Webster Balaw-ing, acting chief ng Public Affairs and Information Assistance Division (PAIAD).
Sa ngayon ay nasa mahigit 50% pa lamang ang na-energize ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative (NUVELCO) sa lalawigan dahil na rin sa lawak ng mga lugar na nawalan ng tustos ng kuryente dahil sa bagyo.











