--Ads--

CAUAYAN CITY – Natupok ng apoy ang higit sampong bahay matapos na masunog ang isang residential house sa Barangay Villasis.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa ilang residente sa lugar, sinasabing nagmula ang sunog sa isang bahay sa nasabing eesidential area na pag-aari ng pamilya Aquino matapos umanong maiwan na nakasaksak ang isang charger sa isang extension wire.

Ayon kay Ginoong Regienald Aquino may-ari ng isa sa mga natupok na bahay, nakita niya ang isa sa kanilang kapitbahay na tumatakba habang sumisigaw na wala silang tubig at doon na niya nakita na nasusunog ang isa sa mga bahay sa kanilang lugar.

Tinig ni Ginoong Regienald Aquino may-ari ng isa sa mga natupok na bahay.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Fire Officer 1 Oliver Gonzaga ng BFP Santiago City, sinabi niya na bagamat walang nasaktan sa insidente ay naging pahirapan para sa kanila ang pag-apula sa nasabing sunog dahil na rin sa mabigat na daloy ng trapiko.

--Ads--

Hindi naman aniya nila isinasantabi ang anggulo na faulty electrical wiring at napabayaang niluluto ang sanhi ng nasabing sunog.

Tinig ni Senior Fire Officer 1 Oliver Gonzaga ng BFP Santiago City.