--Ads--
CAUAYAN CITY– Mahigit sampo ang nasawi matapos mahulog ang isang sasakyan sa irrigation canal sa Bulo, Tabuk City, Kalina.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, 15 katao na kinabibilangan ng ilang bata ang sakay ng isang itim na Ford Everest.
Patungo sana ang mga biktima para mamasyal sa Bulo Lake sa Tabuk City kaninang alas singko ng hapon nang maganap ang aksidente.
Ang mga biktima ay dinala naman sa Kalinga Provincial Hospital
--Ads--
Nauna nang kinumpirma sa Bombo Radyo Cauayan ni PCol. Davey Vicente Limmong, Provincial Director ng Kalinga Police Station ang naganap na aksidente ngunit hindi pa makapagbibigay ng karagdagang detalye.











