--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit isang daang ektarya ng puting mais ang bahagyang napinsala sa Calayan Island, Cagayan  dulot ng Bagyong Kiko  habang ang mga nasirang pananim sa Batanes na napinsala  ng bagyo ay hinihintay pa ang ulat ng Provincial Agriculture Office.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 na ang dalang ulan ng Bagyong Jolina at Kiko ay  pangkalahatang may mabuting epektosa mga pananim na mais, palay at gulay ng  mga magsasaka sa Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

 sa kanyang pag-iikot sa sa Isabela San Mateo ay napansin niyang mayroon nang nakapag-ani ng palay habang ang iba ay nasa vegetative stage at nakatulong ang pag-ulan.

Sa mga pananim na mais ay malaking tulong ang ulan pangunahin na ang natamaan ng tagtuyot noong buwan ng Hulyo.

--Ads--

Maging sa Gulay na natamaan ng tagtuyot ay naka-recover na rin dahil sa pag-ulan.

Samantala sa lugar na dinaanan ng Bagyong Kiko pangunahin na sa Santa Ana, Cagayan ay walang napinsalang pananim habang sa Batanes ay naghihintay pa sila ng impormasyon dahil nawalan na sila ng linya ng komunikasyon.

Sa Calayan Island  ay may  umaabot sa isang daan apat na ektarya na puting mais na nasa reproductive stage ang bahagyang napinsala at limang ektaryang dilaw na mais na nasa vegetative stage.

Sinabi pa ni Regional Executive Director Edillo na ang puting mais  ay aabot ang halagang mahigit anim na raang libong piso at walumput pitung magsasaka ang apektado.

mayroon namang butil ng gulay  na isandaang kilo na buffer stock   na maaring ipadala sa mga lugar na nasalanta ang mga pananim na gulay pangunahin na sa Batanes.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2.