--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang I-relocate ang nasa mahigit isang daang pamilya ng barangay San Pugo dahil hindi na ligtas na tirhan ang naturang barangay matapos na lumitaw ang malalaking bitak sa lupa at maitala ang serye ng land slides sa pananalasa ng bagyong Ulysses noong nakaraang taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Elmor Villaruel ang Executive assistant to the Governor at ang head ng tourism unit ng Quirino sinabi niya na hindi na inirerekomenda ang paniniharahan ng nasa isang daan at walumpung pamilya sa barangay San Pugo Nagtipunan Quirino dahil sa malalaking bitak sa lupa at paguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Ulysses.

Aniya,nakakuha na ng funding ang Pamahalaang Panlalawigan mula sa National Housing Authority at National Disater coordinating Council na gagamitin sa pag rerelocate at pagpapatayo ng bahay para sa mga apektadong pamilya.

Katuwang ang  Mines and Geosciences Bureau ng Lunsod ng Tuguegarao ay nagsagwa ng survey upang makatukoy ang  masligtas na re-settlement area na may layong tatlo hanggang apat na kilometro mula sa dating lokasiyon ng barangay San Pugo.

--Ads--

Samantala, Plano ng Pamahalaang Panlalawigan na gawing tourist destination ang bagong re-settlement area.

Ayon kay Ginoong Villa Ruel nais nilang maipakita sa ipapatayong mga pabahay ang cultural character ng mga  bungalo houses.

Maliban dito ay maaari  ding magdevelop ng panibagong view point sa re-settlement area dahil matatanaw mula rito ang buong bayan ng Maddela Quirino.

Maglalan rin ng lupain ang pamahalaang panlalawigan ng  na maaring gawing taniman ng gulay ng mga residente.

Puntirya na mailipat ang lahat ng pamilya bago matapos ang taong kasalukuyan.

Kaya inilalatag at inaayos na ng pamahalaang panlalawigan ang mga kakailanging dokumento para sa isasagawang relocation.

Nauna naring nabigyan ang sampung libong pisong housing  assistance mula sa lokal na pamahalaan ang nasa mahigit isang daang pamilya,maliban pa sa ayuda na mula sa TUPAD program ng DOLE at ayuda mula naman sa DSWD.

Ang bahagi ng pahayag ni Executive assistant to the Governor at ang head ng tourism unit ng Quirino Elmor Villaruel