--Ads--
CAUAYAN CITY– Umaabot sa 114 tokhang responders ang nakapagtapos na sa community base rehabilitation program ( CBRP ) sa Gamu, Isabela.
Mga tinaguriang slighty affected ang category ng mga nagtapos ng CBRP.
Sa 174 na kabuoang natokhang ng mga pulis ay mayroong pang 74 ang isasailalim pa nila sa CBRP upang tuluyan nang maging drug cleared ang bayan ng Gamu
Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Richard Limbo, hepe ng Gamu Police Station na patuloy pa rin nilang susubaybayan ang mga nagtapos sa CBRP upang matiyak na sila’y nagbagong buhay at hindi na babalikan pa ang operasyon ng illegal na droga.
--Ads--
Sa 16 na barangay ng Gamu ay 2 barangay ang drug free habang 14 na barangay ang apektado ng illegal na droga.




