--Ads--

CAUAYAN CITY – Narekober sa magkahiwalay na operasyon ng mga kasapi ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ang mahigit isang libong board feet ng mga iligal na pinutol na kahoy sa lunsod ng Ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Provincial Task Force, narekober sa Abuan River ang 528.4 board feet ng iba’t ibang mga lumber at narra.

Narekober naman sa Divilican Road pangunahin na sa kilometer 24 ang halos 1,300 na board feet ng fresh cut na mga narra flithes.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung kanino ang mga inabandonang iligal na pinutol na kahoy na dinala na sa tanggapan Provincial Environment and Natural Resources Office.

--Ads--