--Ads--

CAUAYAN CITY – Nabakunahan ang mahigit isang libong residente ng Gamaleya Sputnik V vaccine sa isinagawang Resbakuna on wheels ng isabela provincial health office sa Primark Ground sa lunsod.

Ilang araw bago ang inaasahang pagsasagawa ng vaccination ay hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na makiisa sa pamamagitan pagpapabakuna.

Ayon sa City Information Office na nasa Isang libo tatlong daan apat na putpito ang nabakunahan ng Sputnik vaccine sa isinagawang vaccination roll out kahapon.

Karamihan sa mga nabakunahan ay mga walk-in na matiyagang pumila upang makatanggap ng karagdagang proteksyon laban sa kumakalat na virus.

--Ads--

Sa inilabas pa na impormasyon ng lokal na pamahalaan ang hindi lamang binakunahan ay ang mga kabataan na may edad labing pito pababa, mga may sintomas, mga nagpapasusong ina at mga buntis.

Batay sa huling talaan na inilabas ng LGU ay nasa dalawampong libong residente na ng lunsod ng caayan  ang nabakunahan ng 2nd dose habang nasa mahigit apatnapong libo naman ang nakatanggap na ng kanilang 1st dose.