--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit isang libong uncertified motorcycle inner tubes at Lead acid Batteries  ang nasamsam ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela dahil sa paglabag sa Republic Act 4109 (Product Standards Law).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Consumer Protection Division Chief Elmer Agorto ng DTI Isabela na sa 25 establisyemento na kanilang sinuri ay dalawa ang binigyan nila ng Notice of Violation kaugnay sa ipinapatupad na List of Products Under mandatory certification.

Dalawang bahay kalakal ang nakitaan ng paglabag sa Republic Act 4109 o kilala sa Product Standards Law.

Sinabi ni Agorto na nakasamsam sila ng 1,244 uncertified motorcycle inner tubes at Lead acid Batteries na nagkakahalaga ng mahigit P177,000 sa Santiago City noong Miyerkules.

--Ads--

Naghain din ang DTI Isabela ng Notice of Violation sa mga service shop dahil sa hindi pagsunod sa nilalaman ng Presidential Decree 1572 (Accreditation Law).

Mayroon ding mga Service and retail enterprices ang binigyan ng warning at palugit na sumunod sa mga panuntunan ng DTI.

Ang mga naunaang nabigyan ng warning na hindi inaasikaso ang kanilang violation ay binigyan na nila ng Notice of violation upang sumunod sa batas.

Ang mga nasamsaman naman ng mga uncertified products ay sasampahan nila ng kaukulang kaso upang mapatawan ng administrative penalties.

Sa mga uncertified products ay sinusuri ang labelling ng package pangunahin na sa  markings at pangalan ng manufacturer.

Kapag certified products ay makikita ang Philippine Standard Mark na nangangahulugan na ang naturang produkto ay pumasa sa Philippine national  standard.

Kapag imported na produkto ay kailangang may Import Commodity clearance stickers at certification ng produkto.

Inihayag pa ni Agorto na patuloy ang pag-iikot nila sa mga bahay kalakal sa Isabela upang matiyak na certified products ang kanilang mga ibinebenta sa mga mamimili.

Kaugnay naman sa mga nasamsam na uncertified products ay kanilang iipunin bago sirain na sasaksihan ng mga kinatawan ng COA, EMB, Media at Consumer groups.