--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang barangay sa Cauayan City ang 12,118 boardfeet ng illegal na pinutol na kahoy na may halagang 200,000 pesos.
Unang naaresto ng mga otoridad ang limang lalaki na sakay ng isang forward truck sa Union, Cauayan City na may lulan na ilegal na pinutol na kahoy.

Nakilala ang mga sakay nito na sina Robin Jake Baruelo, 27 anyos gulang, residente ng Marabulig I, Cauayan City; Marco Barbasa, 20 anyos at Jordan Bangayan, 18 anyos, kapwa residente ng Dicamay San Mariano, Isabela.

Napigil din kaninang madaling araw ang isa pang forward truck sa San Luis, Cauayan City.

Naaresto ang mga sakay nito na sina Roberto Pabro, 45 anyos, residente ng Rogus, Cauayan City at Nardo Barroga, 43 anyos at residente ng Tappa, San Mariano, Isabela.

--Ads--

Nasabat ang dalawang truck matapos matanggap ng Cauayan City Police Station ang sumbong ng mga concerned citizen.

Walang maipakitang dokumento ang mga suspek kaya agad silang inaresto at dinala sila sa himpilan ng pulisya kasama ang dalawang forward truck.

Sa imbentaryo ni Forester Nelson Acob ng CENRO Cauayan City, umabot sa 178 na piraso ng common hardwood na may kabuuang sukat na 12, 118 board feet.

Ito umano ang pinakamalaking volume ng ilegal na pinutol na kahoy na nasabat ng mga otoridad ngayong 2017.

Patuloy na inaalam ng mga pulis kung sino ang may-ari ng mga nasabat na kahoy dahil tikom pa rin ang bibig ng mga nadakip na suspek.