--Ads--

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165  o comprehensive dangerous drug acts of 2002 ang tatlong indibidwal matapos masamsaman ng ipinagbabawal na droga sa Tabuk City, Kalinga

Sa isinagawang operasyon Tabuk City Police Station, nakumpiska ang mahigit P23 milyong halaga ng dried marijuana bricks sa isinagawang drug operation.

Nakuha sa mga suspek ang kabuuang 192 marijuana bricks na agad dinala sa Tabuk City Police Station para sa tamang dokumentasyon at pagproseso.

Kabilang din sa mga kinumpiska ng mga awtoridad ang mga sasakyan at selpon na gamit ng mga suspek.

--Ads--

Samantala, nagpasalamat naman ang mga awtoridad sa tulong at suporta ng mga mamamayan sa lugar upang masugpo ang ganitong klase ng krimen.