--Ads--

Nagtipon ang mahigit dalawandaang Muslim sa Santiago City upang ipagdiwang ang Eid al-Fitr, ang pagtatapos ng Ramadan, na nagbigay-daan sa sama-samang panalangin at pagpapatawaran sa isa’t isa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Imam Abdulfatah Adoma, ang okasyon ay hindi lamang pagtatapos ng tatlumpung araw na pag-aayuno kundi isang mahalagang pagkakataon para sa pagkakaisa at pagsasama-sama ng komunidad.

Marami sa mga dumalo ay naglakbay mula sa ibang bayan sa lalawigan upang makiisa sa seremonya.

Bukod sa panalangin, may mga tradisyonal na pagkain, pagdiriwang, at pagbibigay ng zakat o kawanggawa na isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon.

--Ads--

Pinayuhan rin ng imam ang lahat na ipagpatuloy ang mga aral ng Ramadan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at pagpapanatili ng katahimikan at pagkakaisa sa komunidad.