--Ads--

CAUAYAN CITY – Kanya-kanya ng showcase ng kanilang mga produkto ang mga mag-aaral na mula sa 17 na rehiyon sa bansa sa ginaganap na National Festival of Talents (NFOT) 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Eliza Sarabia, guro at Coach ng DepEd Region 7, sinabi niya na mga project ng mga batang mag-aaral mula Grade 7 hanggang senior high school ang kanilang nai-display sa kanilang Bazaar habang mayroon ding hiwalay na proyekto sa mga mag-aaral sa elementarya.

Ipinagmalaki nila ang kanilang produkto na gawa sa coconot shell na ginawang baso, plato, bowl, cellphone holder, maaring gawing pang-display sa bahay at iba pa.

Ito na anya ang ginagamit nila sa mga paaralan at hindi na sila gumagamit ng mga plastics.

--Ads--
Tinig ni Eliza Sarabia, guro at Coach ng DepEd Region 7.

Samantala, inihayag naman ng isang Grade 7 student na lumahok na si Pearl Marie Sacarda na naisipan nilang pakinabangan ang mga balat ng mais.

Ang mga balat ng mais ay ginawa nilang Costume festival at mayroon ding gown na gawa sa mga balat ng mais at iba pang indigenous materials.

Nais anya nilang i-showcase ang kanilang mga produkto na gawa sa mga indigenous materials upang tularan ng marami at maiwasan na ang mga paggamit ng mga materials na nakakasama sa kalikasan.

Tinig ni Pearl Marie Sacarda.