--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 2,500 board feet ng mga nilagareng kahoy ang nasamsam ng mga otoridad sa ilog sa Buyasan, San Mariano, Isabela.

Nauna rito ay binantayan ng magdamag ng mga kawani ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Naguillian, mga kasapi ng San Mariano Police Station, mga kasapi ng 95th Infantry Batallion, Philippine Army at mga CAFGU ang lugar upang matunton ang mga kahoy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PSMS Jonimar Baingan, tagasiyasat ng San Mariano Police Station na halos inumaga na sila sa mga nakaraang araw sa pagbabantay sa tulong ng mga bogador na may alam sa daan patungo sa Sitio Digosi, Buyasan, San Mariano, Isabela.

Natunton ang mga ipinapaanod na mga nilagareng softwood na nakababad sa ilog sa nabanggit na lugar.

--Ads--

Natunton din ang mga nilagareng softwood sa pamamagitan ng ipinalipad na drone ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Tinig ni PSMS Jonimar Baingan.