CAUAYAN CITY- Umakyat na sa mahigit dalawang libong indibidwal ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Crising sa Lambak ng Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Alvin Ayson ng Office of the Civil Defense Region 2, sinabi niya na as of 2am ngayong araw, July 18 ay nasa 785 pamilya ang apektado ng bagyo na kinabibilangan ng 2,455 indibidwal sa 73 na barangay sa Rehiyong Dos.
674 pamilya o katumbas ng 2,144 na inidibidwal ang tumutuloy ngayon tumutuloy sa 44 evacuation centers sa lungsod habang 111 pamilya o 341 indibidwal ang nananatili ngayon sa kanilang mga kapitbahay o kapamilya.
Mayorya sa mga naapektuhan ay mula sa lalawigan ng Cagayan na kinabibilangan ng Allacapan, Aparri, Baggao, Calayan, Calamaniugan, Gattaran, Lallo, Pamplona, Peñablanca, Sta Ana at Santa Praxedes habang ang bayan lamang ng Ambaguio ang nakapagtala ng evacuees sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa ngayon ay nananatili namang passable ang mga national highway sa lambak ng Cagayan subalit mayroong mga municipal at provincial roads ay napaulat na impassable sa Batanes at Cagayan partikular sa Santa Teresita, Gattaran at Buguey.











