--Ads--

CAUAYAN CITY– Tinatayang nasa mahigit 30 kasapi ng New Peoples Army (NPA) ang nagbalik loob o sumuko sa mga kasapi ng 17th Infantry Battalion Philippine Army sa lalawigan ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Major Jekyll Dulawan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na noong January 28, 2020 nang magkaroon ng mass surrender nang nasa 25 mga kasapi ng NPA.

Tatlo sa mga sumuko ang regular na miyembro ng rebeldeng pangkat, 27 ang Militia ng Bayan at 5 ang kasapi ng partido lokalidad.

--Ads--

Ayon sa mga sumukong rebelde dahil sa mga pangakong hindi natupad ng mga NPA at sa naranasan nilang kahirapan ay nagpasya silang tapusin na ang armadong pakikibaka at itigil ang pagsuporta sa makakaliwang grupo.

Isa anya sa mga patunay ng kanilang paghihirap ay ang hindi pag-unlad ng Zinundungan Valley sa Lasam, Cagayan sa kabila ng ilang taon ng presensiya at pakikibaka ng New Peoples Army.

Sa kanyang talumpati inihayag ni Brig.Gen. Laurence Mina Commanding officer ng 5th Infantry Division Phil. Army na hindi tititgil ang mga sundalo katuwang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa paghahatid ng mga program sa mga rebel returnee

Ang mga sumukong rebelde ay kasalukuyan ng pinoproseso ang mga papeles para maisama sa programang pangkabuhayan at pagsasanay ng pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) .

Ang bahagi ng pahayag ni ,Major Jekyll Dulawan