CAUAYAN CITY– Umaabot na sa 301 ang Person Under Investigation (PUI’s) ang naka-home quaratine ngayon sa Isabela na minomonitor ng mga kawani Rural Health Units na may mga mild symptoms tulad ng ubo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Arlyn Lazaro, Asst. Provincial Health Officer ng Isabela, araw-araw na minomonitor ng mga kawani ng RHU ang mga PUI’s na naka-quarantine sa kanilang mga bahay at kapag nakakitaan na lumala ang kanilang sintomas ay dadalhin sila sa mga referral hospital.
Inihayag ni Dr. Lazaro na nasabihan na mismo ang mga PUI’s at kanilang pamilya ng mga dapat gawin at kailangang manatili lamang sa loob ng bahay ngunit lumayo sa kanilang kapamilya hanggat hindi gumagaling ang mga sintomas.
Karamihan ng mga PUIs na may mild symptoms ay galing sa kalakhang Maynila na may local transmission ngunit ang mga walang sintomas ay inilalagay sila sa person under monitoring.











