--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ng 334 COVID-19 new cases ang Isabela kahapon, October 11, 2021.

Dahil dito umakyat na sa 4,925 province wide active cases habang nasa 52,730 ang kabuoang tinamaan ng nakakamatay na sakit sa lalawigan.

Tumaas naman ang bilang ng mga gumaling sa sakit na pumalo sa 349 dahil dito umakyat na sa 46,204 ang total recoveries habang 8 ang panibagong nasawi.

Nanguna sa may pinakamataas na nagtala ng COVID-19 new cases ang bayan ng Delfin Albano na may 66, sinundan ng Echague na 44 San Mateo na 38, Cabatuan na 31, Ramon na 29, Cauayan City na 21, Santiago City na 17, Luna na may 11 new cases, Cordon na 10 Burgos na may 9 active cases, Ilagan City na may limang kaso, Jones at San Mariano na may tig-aapat na new cases, Aurora na may tatlong new cases,Cabagan , Gamu, Naguilian, at Reina Mercedes na may tig-dalawang panibagong kaso.

--Ads--

Nakapagtala naman ng pinaka mababang panibagong kaso ang mga bayan ng San Pablo, Sta. Maria at Tumauini habang wala nang naitalang panibagong kaso ang mga bayan ng Alicia, Angadanan, Dinapigue, Divilacan, Maconacon, Mallig, Palanan, Quezon, Quirino, Roxas, San Guillermo, San Isidro, San Manuel at Sto. Tomas.