--Ads--

CAUAYAN CITY- Mahigit 300 kalabaw ang ipinarada sa pagdiriwang ng Nuang Festival sa San Agustin, Isabela ngayon buwan ng Setyembre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Cesar Mondala na mahigit 300 kalabaw ang ipinarada ng mga mamamayan sa kanilang Nuang Festival.

Inihayag pa ni Mayor Mondala na ipinagbabawal sa kanilang bayan ang pagbebenta ng mga babaeng kalabaw sa layuning maparami pa ang mga alagang hayup sa kanilang lugar.

Ipinagmamalaki din nila ang kanilang produktong carabao milk na pangunahin nilang produkto.

--Ads--

Sinabi pa ni Punong-Bayan Mondala na ang Nuang Festival ay paghahanda sa kanilang pagsali sa Bambanti Festival ng Isabela.

Handa na rin anya ang bayan ng San Agustin na makipagpaligsahan sa mga bayan sa Isabela upang manalo sa iba’t ibang mga patimpalak.

Ang Nuang Festival ay dinaluhan din ng Akbayan Party list Representative Harry Roque.