--Ads--

CAUAYAN CITY – Libu-libong evacuees pa rin ang nananatili sa mga evacuation center sa Batangas sa kabila ng unti-unting pagbaba ng mga aktibidad ng bulkang Taal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jovener Dupilas, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense (OCD) Region IV-A, sinabi niya na mahigit 30,000 evacuees pa rin ang hindi nakakabalik sa kani-kanilang mga tahanan sa Batangas.

Sila aniya ang mga nakatira sa mismong isla ng bulkang Taal, gayundin ang mga nakatira sa seven-kilometer-radius danger zone at mga nasiraan ng bahay.

Gayunman ay patuloy naman ang mga pagdating ng mga tulong para sa kanila na mula sa lokal na pamahalaan ng Batangas at sa National Government.

--Ads--

Ayon pa kay Dupilas, sa nasasakupan ng seven-kilometer-radius danger zone na nananatiling nakalockdown ay wala pa ring pinapayagang makapasok.

Subalit may inilaang window hours ang mga LGUs sa mga residente para pakainin ang kanilang mga alagang hayop at para tignan ang kanilang bahay.

Samantala, inihayag pa ni Dupilas na mahigpit ding ipinapatupad ang Enhance Community Quarantine sa mga evacuees para sila ay makaiwas sa COVID-19.

Tinig ni Jovener Dupilas, tagapagsalita ng OCD Region IV-A.