--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinagsa ng mga Overseas Filipino Workers o OFW’s ang unang araw ng absentee voting sa Dubai, United Arab Emirates noong ikasampu ng Abril kaya magbubukas ang Consulate General’s Office ng ibang polling precinct.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Clark Ona na sa tulong ng mga volunteers at Dubai Police ay maayos na naisagawa ang botohan sa Konsulada ng Pilipinas sa Dubai.

Bukas, ikalabintatlo ng Abril ay magbubukas sila ng dagdag na voting precinct para mas maraming OFW’s ang makakaboto.

Ayon kay Ginoong Ona, batay sa nakuha niyang impormasyon ay mahigit 300,000 ang mga OFWs sa UAE na nagrehistro para sa absentee voting.

--Ads--

Mula noong ikasampu ng Abril hanggang ikasiyam ng Mayo mula alas otso ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi ay bukas ang Konsulada ng Pilipinas sa Dubai kahit holiday para makaboto ang mga overseas absentee voters.

Ang Konsulada aniya ay naglabas ng certified list of voters. Ang mga nagparehistro noong ikalabing-anim ng Disyembre 2019 hanggang 2021 at mga nagrenew ng pasaporte mula noong 2019 hanggang 2021 ay absentee voters.

Ayon kay Ginoong Ona, maluwag na sa UAE kaya ang mga sumusunod na lang ng social distancing at nagsusuot ng facemask ay ang nasa mga closed areas.

Bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent Clark Ona, OFW sa Dubai