--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot sa 109 pamilya o 420 individual ang isinailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa bagyong Betty sa Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information Officer Sunshine Asuncion ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 na ang 88 pamilya ay nasa mga evacuation centers habang 31 pamilya ang nakisilong sa kanilang mga kamag-anak.

Ang mga evacuees  ay mula sa Basco Batanes, Gonzaga at Santa Ana sa Cagayan at Divilacan, Maconacon at Palanan sa Isabela.

Sa ngayon ay nagbibigay ng augmentation ang OCD Region 2 at nagdadala na ng mga family food packs at non-food items  tulad ng Hygiene kits at modular tents sa mga naapektuhan ng bagyo sa mga bayan ng Gonzaga at Santa Ana sa Cagayan.

--Ads--

Kahapon, lahat ng mga kalsada at tulay sa Region 2 ay madadaanan pangunahin na ang mga papasok at papalabas sa rehiyon.

Nakataas pa rin sa red alert status ang OCD Region 2 hanggang sa makalabas sa bansa ang bagyong Betty.

Tinig ni Information Officer Sunshine Asuncion.