--Ads--

CAUAYAN CITY – Lumabas na mahigit 50% ng mga mag-aaral ang alanganin sa pagsasagawa ng online classes batay sa isinagawang survey ng Isabela State University.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Ricmar Aquino, Pangulo ng ISU System na batay sa lumabas sa kanilang survey, karamihan ng mga estudyante ay naglabas ng pag-aalangan sa online classes.
Sinabi ni Dr. Aquino na nagpahayag ang mga mag-aaral na mahihirapan sila sa online learning.
Dahil dito ay naisipan ng ISU system na magsagawa ng modular approach na maituturing na self directed learning kung saan mayroong module na ipamimigay sa mga mag-aaral na kanilang pag-aaralan at mag-submit na lamang ng output sa kanilang mga guro.
--Ads--










