--Ads--

Mahigit 5,000 indibidwal sa lungsod ng Cauayan ang may deactivated na voting status batay sa datos ng Comelec Cauayan.

Ayon kay Election Officer Atty. Johanna Vallejo ng Comelec, bagaman tuloy-tuloy ang ginagawang aktibidad ng kanilang opisina sa pamamagitan ng satellite registration, nananatiling mahigit 5,000 pa rin ang mga botanteng deactivated ang status sa lungsod.

Ito ay bunga ng dalawang beses na hindi pagboto sa mga nakalipas na halalan.

Dagdag pa ng election officer, maaari pa rin silang makaboto dahil may pagkakataon pa naman para magpa-reactivate ng account. Bukas ang online reactivation para sa mga indibidwal na hindi makapunta sa kanilang opisina.

--Ads--

Gayunpaman, kung nais nilang mas mabilis ang proseso, maaari silang personal na magtungo sa opisina ng Comelec.