CAUAYAN CITY – Aabot sa 1,857 na pamilya o 7,069 na tao ang inilikas sa labing isang bayan sa Cagayan matapos maapektuhan ng Bagyong Maymay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Disaster Response Information Officer Mitchie Sibbaluca ng DSWD Region 2 na pangunahing nakaranas ng malalakas na pag-ulan ang Northern Cagayan na kinabibilangan ng mga bayan ng Allacapan, Aparri, Boguey, Camalaniugan, Claveria, Gonzaga, Lassam, Lallo, Pamplona, Santa Teresita at Rizal.
Mula sa labing isang bayan ng Cagayan ay mayroong walumput dalawang barangay ang naapektuhan ng pagbaha kayat kinakailangang lumikas ang mga residente.
Handa na rin ang DSWD para sa food packs at non-food items na kinabibilangan ng 15,694 family food packs na nagkakahalaga ng mahigit 8.5 million pesos.
Ang non-food item ay mayroong 3,331 na nagkakahalaga ng 5 million pesos na kinabibilangan ng kitchen kits, hygiene kit, clothings at iba pa.
Mayroon ding naka-stand by fund na 10.8 million pesos.
Mayroon na ring mga Food packs at non-food items na naka-preposition na sa mga LGU na maapektuhan ng kalamidad.