CAUAYAN CITY– Mahigit 90% ng mga barangay sa Isabela ang sumailalim na sa drug clearing batay sa talaan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director PCol. Julio Go sinabi niya na sa ngayon ay tuloy tuloy ang kanilang monitoring sa resurgence ng drug activities sa lalawigan.
Sa katunayan aniya ay wala pang nadadakip na malaking taong sangkot sa iligal na droga sa Lalawigan dahil karamihan sa mga nadadakip ay mga street level individual.
Tuloy tuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipag tulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa mas pinaigting na kampaniya kontra iligal na droga.
Dagdag pa niya na bagamat bago na ang administrasyon ay hindi ito nangangahulugan na magiging kampante ang pulisya laban sa mga illegal drug activities.