--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumanggap ngayong araw ng 3,000 pesos educational assistance ang mahigit 1,000 mga estudyanteng nasa kolehiyo na benepisyaryo ng lokal na pamahalaan ng Cauayan.

Ito ay upang makapag-abot ng tulong pang gastos ang pamahalaan lalo na sa mga estudyanteng nagbabayad ng metrikula.

Eksklusibo naman ito para sa mga residente lamang ng Cauayan kahit saang lugar pa sila nag-aaral ngayon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Lakambini Cayaba, Departmant of Interior and Local Government (DILG) Officer, aniya, ang programa ay mayroong 4 Million pesos na pondo mula sa DILG Assistance to Local Government Units- Local Government Support Fund (ALGU-LGSF) na ibinibigay namang tulong sa taombayan.

--Ads--

Sa katunayan aniya ay mayroon ding ALGU-LGSF ang ibang mga syudad o bayan subalit ginagamit nila ito sa ibang bagay at hindi sa educational assistance.

Samantala, ikinatutuwa naman ng ahensya na mayroong 1,334 na mga kolehiyong estudyante ang benepisyaryo ng programa at mayroon namang ibang benepisyo o tulong na ibinibigay para naman sa mga estudyante ng elementarya at sekundarya.

Umaasa naman ang ahensya na ang perang natanggap ng mga estudyante ay mapupunta sa maayos na bagay at gastusin nila ito sa kanilang bayarin sa paaralan.