--Ads--

Nakumpiska ng mga awtoridad ang higit P10 milyong halaga ng smuggled na frozen products sa isang cold storage facility sa Paco, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, naglalaman ang pasilidad ng frozen na karne, peking duck, at sibuyas na walang kaukulang permit. “Lumilitaw na smuggled ang mga produktong ito dahil walang naipakitang dokumento ang mga manggagawa,” ani Santiago.

Kinilala ng tagapag-alaga ng pasilidad na si Meynard ang kanyang amo bilang si Jay, na marunong magsalita ng Filipino. Ayon pa kay Meynard, isang Chinese na kilala lamang bilang Jerry ang umuupa sa pasilidad.

Binigyan ng NBI ng 24 oras ang mga may-ari ng pasilidad upang magsumite ng mga dokumentong nagpapahintulot sa kanila na mag-angkat ng frozen products.

--Ads--

Ayon kay Commodore Oliver Tanseco ng Coast Guard Investigation and Detection Management Service, kakasuhan ang mga may-ari ng pasilidad sa ilalim ng Anti-Agricultural Sabotage Act.