--Ads--
CAUAYAN CITY- Masusing sinisiyasat ng mga kasapi ng San Mateo Police Station ang pinakahuling kaso ng pagnanakaw sa brgy. Daramuangan.
Ang huling pinagnakawan sa San Mateo, Isabela bahay kalakal na nagtitinda ng mga kagamitan sa bahay ay pagmamay-ari ni Ginoong Ferdinand Sendin.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, humigit kumulang P/300,000.00 ang halaga ng mga kagamitan kabilang na ang cash ang natangay ng di pa matukoy na mga suspek.
Mayroon namang guwardiya ang nasabing establisyemento habang ang kuha ng CCTV Camera ay nabura na batay sa pagsusuri ng mga pulis.
--Ads--
Inaalam na ng pulisya kung sino ang nakabura sa kuha ng CCTV Camera.




