--Ads--
CAUAYAN CITY – Pormal na umupo si Maj. Gen. Pablo Lorenzo bilang bagong commander ng 5th Infantry Division Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Upi, Gamu, Isabela.
Pinalitan niya si Brig. Gen. Alden Juan Masagca sa isinagawang change of command kahapon.
Si Masagca ang naitalaga na commader ng 5th ID matapos na magretiro noong March 3, 2019 si Maj. Gen Perfecto Rimando Jr.
Sa naging talumpati ni Maj. Gen. Lorenzo ay hinikayat niya ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na magbalik-loob sa pamahalaan dahil sa kanyang pag-upo ay prayoridad niya ang paglipol sa mga rebelde.
--Ads--
Ayon kay Maj. Gen. Lorenzo, tututukan niya ang Community Support Program (CSP) ng Philippine Army para mas mapagtuunan ng pansin ang pagbaka sa insurhensiya.