--Ads--

Hindi umano magpatitinag ang Makabayan Bloc sa planong protesta ng Iglesia Ni Cristo para pigilan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaan na inendroso na sa Kongreso ang pangalawang impeachment complaint kay VP Sara.

Inihayag ni ACT Teachers Representative France Castro na ang naturang reklamo ay naibigay na sa Office of the Secretary General at umaasa sila na papaboran ito ng mga mambabatas.

Nakatakda silang magpadala ng kopya ng reklamo sa higit 300 na miyembro ng House of Representatives kung saan kailangan ngayon ng Makabayan Bloc na  makalikom ng 106 na signatories para umusad sa senado ang kanilang reklamo.

--Ads--

Ang pangalawang impeachment complaint ay nag-ugat sa sa umano’y naging asal ni VP Sara sa kasagsagan ng pagdinig ng Kamara sa confidential fund ng OVP at Deped, maliban pa sa pambabastos sa proseso ng Kamara na dinggin ang mga reklamong naihain at ang pagsusumite ng mga pekeng dokumento sa kanilang komite.

Nilinaw naman niya na inirerespeto nila ang pasya ng Iglesia Ni Cristo sa gagawing kilos protesta para pigilan ang impeachment.

Aniya ang ginagawa ng mga mambabatas ay isa lamang paniningil sa pondo at pera ng taumbayan sa na maling ginastos ng Bise Presidente.