--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpatupad ng Saturday make-up Classes ang Department of Education Region 2 sa mga mag-aaral sa lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Benjamin Paragas, Regional Director ng Deped Region 2, sinabi niya na ito ay upang makahabol ang mga estudyante sa kanilang aralin dahil sa ilang linggong walang klase dulot ng sunod-sunod na mga bagyong nanalasa sa Rehiyon Dos.

Hiniling naman nito ang pakikiisa ng mga magulang na payagan ang kanilang mga anak na pumasok sa paaralan tuwing weekend.

Plano rin nilang ipagpaliban ang In–Service Training o INSET days ng mga guro na nakatakda sa ika-25 hanggang ika-29 ng Nobyembre at gamitin na lamang ito bilang regular school days para sa mga bata.

--Ads--

Aniya, noong kasagsagan ng mga bagyo ay nagpatupad sila ng iba’t ibang Alternative learning Modalities upang hindi matigil ang pagkatuto ng mga bata kung saan binigyan umano nila ng Learners Activity Sheet ang mga mag-aaral.