--Ads--

CAUAYAN CITY- Naniniwala si Governor Carlos Padilla ng Nueva Vizcaya na malabo ang panukalang batas na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano na pagpapalit sa pangalan ng Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Padilla na masyado pang maaga para pag-usapan ang House Bill 5867 ni Congressman Alejano.

Para kay Padilla, iginagalang niya si kinatawan Alejano subalit mas makakabuti umano na pag-isipan muna ng mambabatas ang kanyang ipapalit na pangalan para sa bansa.

Sinabi pa ng opisyal na kagaya ng pagpapalit ng pangalan ng isang tao ay matatagalan din ang proseso ng pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas.

--Ads--

Matatandaan na batay sa panukala si Congressman Alejano, nais niyang bumuo ng isang komisyon na magsasagawa ng komprehensibong pag-aaral para palitan ang pangalan ng bansa at magkaroon ng totoong identity ang mga Pilipino.

Inihayag ni Alejano na ang magiging pangalan ng bansa ay dapat akma hindi lang sa kalupaan nito, kung hindi maging sa mga mamamayan at sa kaniyang nakaraan.

Ang Pilipinas ay hango sa pangalan ni King Philip II ng Espanya na sumakop sa Pilipinas sa loob ng 377 taon.