--Ads--

Itinuturing ng Malacañang na “tsismis” at walang basehan ang mga pahayag at dokumentong hindi beripikado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa tinatawag na “Cabral files”.

Tugon ito ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro bilang reaksiyon sa pahayag ni Congressman Leandro Leviste na may mga miyembro ng gabinete na umano’y may kinalaman sa DPWH insertions ng flood control projects.

Ayon kay Castro, sasagot lamang ang Malacañang sa mga dokumentong napatotohanan ng DPWH at hindi sa kung kani-kanino na hindi masiguro kung totoong nanggaling nga kay dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.

Kung hindi aniya na-authenticate o naberipika ng DPWH, balewala ito at walang dahilan para patulan ang mga pag-iingay ni Leviste.

--Ads--

Tanging si Leviste umano ang mayroong kopya ng mga listahan at dokumento ni Cabral patungkol sa mga opisyal na may kinalaman sa flood control scam at nakinabang sa pondo ng taumbayan.

Si Cabral ay natagpuang patay sa Tuba,Benguet noong nakalipas na linggo na pinaniniwalaang nagpakamatay umano matapos masangkot sa eskandalo ng flood control scam.