--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na ng provincial government ng Isabela sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC )ang maaring epekto ng bagyong may international name na mangkhut sa Isabela.

Dahil dito nagkaroon ng biglaang special meeting ang mga kasapi ng PDRRMC na dinaluhan ng mga kinatawan PNP, Phil. Army , BFP, Phil. Red Cross at mga department heads ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Romy Santos, Media Consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na nagbigay ng briefing ukol sa ikinikilos ng paparating na bagyo si G. Ramil Tuppil ng PAG-ASA DOST Echague at kanyang kinumpirma na malakas ang nasabing bagyo.

Pangunahin anyang maapektuhan ang extreme northern Luzon bagamat sa ngayon ay wala pang epekto sa alinmang bahagi ng bansa.

--Ads--

Sa buong maghapon ay nakaranas ng makulimlim na lagay ng panahon ang Isabela habang nagkakaroon ng hindi kalakasang hangin at pag-ulan ngayong hapon dahil sa bagyong Neneng na nasa loob ng Phil. Area of reponsibility.