--Ads--

CAUAYAN CITY – Tuluyan nang naapula ng mga kasapi ng Bureau Of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer ang ekta-ektaryang grass fire sa barangay Minante 1, Cauayan City.

Halos inabot ng dalawang oras bago tuluyang maapula ang grass fire

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ay pahirapan ang pagpasok ng mga kasapi ng BFP Cauayan at mga fire volunteer upang apulahin ang grass fire dahil bukod sa likurang bahagi ng barangay Minante Uno ay mahirap ang daanan.

Ang nasabing grass fire ay sa likurang bahagi ng pribadong unibersidad at likurang bahagi ng isang bahay kainan.

--Ads--

Matalahib ang mga nasusunog kayat madali lamang ang pagkalat ng apoy.