--Ads--

CAUAYAN CITY– Ramdam na ng Batanes ang hagupit ng bagyong Betty habang kumikilos ito papalayo ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Justinne Jerico Socito, ang tagapagsalita ng Emergency Operation Center ng Batanes sinabi niya na ramdam na nila ang epekto ng bagyong Betty dahil nakakaranas na sila ng malakas na hangin at malakas na ulan.

Nagtataasan na ang mga alon at inaasahang mas lalakas pa ito dahil mas lalapit pa ang bagyong Betty sa Batanes ngayong hapon.

Sa kasalukuyan ay wala pang naiulat na damages sa mga kabahayan gayundin na wala pang natumbang puno at walang nailipad ng hangin na mga bubong ng bahay dulot ng bagyo dahil maaga silang nakapag handa sa paparating na bagyo.

--Ads--

Bagamat malakas ang pag-ulan walang naitalang pagbaha gayunman binabantayan nila ang banta ng storm surge dahil sa malalaking alon.

Sa kasalukuyan 34 na indibiduwal na ang nailikas nila mula sa Basco, Itbayat at Mahatao.

Ang mga inilikas na indibiduwal ay nakatira sa mga bahay na gawa lamang sa light materials habang ang ilan namang residente na nagsipaglikas ay pansamantalang nakitira sa kanilang mga kamag-anak.

Nakatanggap na ng ayuda ang mga inilikas na pamilya na mula sa DSWD.

Nabawasan sa supply ng kuryente ang Batanes mula sa NAPOCOR dahil pansamantalang tumigil ang barkong nagdadala sana ng krudo dahil sa mga pag-ulan.

Bilang resulta ay nagsagawa na sila ng reduce power operation kung saan makakaranas ng power interruption.

Ang pahayag ni G. Justinne Jerico Socito, ang tagapagsalita ng Emergency Operation Center ng Batanes.