--Ads--

CAUAYAN CITY- Naitala kaninang umaga sa Isabela ang pinakamalamig na temperatura sa kabila ng nararanasang mainit na lagay ng panahon pagsapit ng hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng PAGASA DOST Echague, Isabela na naranasan ang 14.6 degrees celcius na temperatura kaninang 6:10am dahil sa hindi pa rin humuhupa ang northeast monsoon o hanging amihan.

Sinabi pa ni G. Tuppil na magpapatuloy ang medyo malamig na temperatura hanggang ngayon buwan ng Pebrero subalit pagsapit na anya ng buwan ng Marso ay unti unti nang mararanasan ang mainit na panahon.

Bagamat nakakaranas ng malamig na panahon sa madaling araw ay sa maghapon naman mainit ang sikat ng araw.

--Ads--