--Ads--

Isasagawa ngayong araw ng Sabado ang “Todas Dengue Todo na  ‘to,  ikasiyam na kagat” na naglalayong masugpo ang mga lamok na nagdadala ng sakit na Dengue.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Liga ng mga Barangay Federation President Dante Halaman na nagpulong ang lahat ng mga LMB presidents sa Isabela at tinalakay nila ang ipinalabas ni Goverbor Rodito Albano na Executive Order  Number 07 series of 2022 na naglalayong magkaroon ng paglilinis sa mga barangay upang mapigilan ang pagtaas ng mga tinatamaan ng dengue sa lalawigan.

Nakasaad sa naturang Executive Order ang paglilinis sa buwan ng Hulyo upang masugpo ang pinamumugaran ng lamok.

Lahat aniya ng mga opisyal ng barangay, mga sangguniang kabataan, mga barangay tanod at mga mamamayan ay maglinis sa paligid pangunahin na sa kanilang estero at kanal.

--Ads--

Inatasan ang lahat ng mga opisyal ng barangay na imonitor ang paglilinis sa kanilang nasasakupan.

Dapat din na ang mga guro sa mga paaraan ay makipagtulungan sa kanilang mga opisyal ng barangay na maglinis sa mga paaralan

Magkakaroon din ng pagpuputol ng mga sanga ng mga punong kahoy upang mapaghandaan ang panahon ng bagyo.