--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahang mararamdaman ang paglugmok ng ekonomiya ng France dahil sa coronavirus disease (COVID-19) oras na bawiin na ang lockdown sa May 11, 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mylene Gonzales, OFW sa Paris, France na tubong Jones, Isabela sinabi niya na sa ngayon ay inaasahan nang mararamadaman ang dagok sa ekonomiya ng nasabing bansa na dinulot ng COVID-19 oras na bawiin na ang lockdown dahil sa biglaang pagtigil ng turismo na nagresulta sa pagkagutom at kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan.

Aniya, nakatakdang magsagawa ng malawakang pamamahagi ng face mask ang pamahalaan sa May 4 bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng France.

Dahil dito, inaasahan na ang muling pagbubukas ng maraming malalaking business establishments subalit inaasahang mananatiling walang pasok o hindi papasukin ang mga mag-aaral dahil sa pangamba pa rin sa COVID-19.

--Ads--

Kahit aalisin na aniya ang lockdown ay ipapatupad pa rin ng France ang mga pre-cautionary measures.

Ayon kay Ginang Gonzales, kailangang may bitbit na sulat ang mga residenteng lalabas sa kanilang mga tahanan at nakasaad ang kanilang pupuntahan.

Kailangan ding pasok sa 100-meter ang layo mula sa kanilang bahay ang kanilang pupuntahan.

Maliban sa sulat na mula sa kanilang employer ay kailangan ring magdala ng ID ang mga manggagawang papasok sa kanilang trabaho at ipapakita nila sa mga pulis na manghuhuli dahil kapag wala ay pagmumultahin sila ng 5 Euros o katumabas ng P8,000.

Samantala nagbibigay ng 80% na reimbusement sa sahod ang pamahalaan ng France para sa mga displaced workers pangunahin na ang mga baby sitters, kasambahay at care givers na fulltimer na naapektuhan ng COVID-19.

Tinig ni Mylene Gonzales.