--Ads--

Mabilis na rumesponde ang mga awtoridad sa London Southend Airport matapos bumagsak ang isang maliit na eroplano.

Ang bumagsak na sasakyang panghimpapawid ay isang Beechcraft B200 Super King Air isang jet na may medical transport system at patungo sana sa Netherlands.

Bumulusok pababa ang eroplano ilang segundo matapos lumipad at bumagsak.

Mabilis ang tugon ng airport fire service kasunod ng insidente.

--Ads--

Dalawang fire engines ang unang nakaresponde, sinundan ng mga lokal na pulis, ambulansya, at karagdagang fire services.

Patuloy pa ang imbestigasyon at pansamantalang kinansela ang lahat ng flight mula at papunta sa paliparan habang tumutugon ang mga emergency responders.