--Ads--

Mas bumaba pa ang kaso ng malnutrition sa Lungsod ng Cauayan batay sa tala ng City Nutrition Office noong taong 2025.

Ayon kay City Nutritionist Mary Jane Yadao, tuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng malnutrisyon sa Cauayan City.

Sa kaso ng underweight, noong 2024 naitala ang 0.38% at mas bumaba pa noong 2025 sa 0.30%, habang ang obesity ay nasa 0.37% at bumaba sa 0.29% sa pagtatapos ng 2025.

Ayon sa City Nutrition Office, bunga ito ng kanilang pagsisikap na maipatupad ang iba’t ibang intervention upang mas bumaba pa ang kaso ng malnutrition sa lungsod.

--Ads--

Siniguro rin ng opisina na lahat ng programa ay maipagpapatuloy sa mga susunod pang taon.