--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaalalahanan ni Maj. Gen. Paul Atal, Commander ng 5th Infantry Star Division ng Camp ,Melchor Dela Cruz Upi, Gamu, Isabela ang mga tauhan na kinakailangan na maging alerto at huwag hayaan na humina ang kanilang depensa.

Ang paalala ay kasunod ng sightings sa ilang rebelde sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Isabela.

Hinikayat ng pamanuan ng 5th Infantry Star Division ang lahat ng mamamayan lalo na ang mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council na tumulong na magbigay ng tamang impormasyon at iwasan ang pagpapakalat ng maling balita.

Mahalaga anya ang tulong at maibibigay na impormasyon ng mga mamamayan sa mga otoridad pangunahin na kung may mapansin na mga rebeldeng pangkat sa kanilang barangay.

--Ads--