--Ads--

Inihayag ng isang abugado na maaring ipatupad ang panukala ng kongreso na gawing opisyal voluntary random drug testing ng mga kandidato sa halalan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Cayosa, dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines, sinabi niya na pwede itong ipatupad kung sa tingin ng pamahalaan ay talamak na ang iligal na droga sa hanay ng mga politiko.

Nakakalungkot aniya ito na sa tingin ng isang mambabatas ay maraming drug addict sa gobyerno.

Kung ilan lamang ang hinihinalang gumagamit ng droga ay pwedeng administrative case ang isampa laban sa kanila o imbestigahan ang kanilang lifestyle.

--Ads--

Malaking insulto naman ito sa mga public servants na malinis na nagtatrabaho at hindi gumagamit ng iligal na droga.

Nagmistula na umanong drug suspects ang mga kandidato dahil kailangan nilang magpasa ng drug test.

Ayon kay Atty. Cayosa tila pasaring lamang ito sa pangulong Marcos na kamakailan ay inaakusahang gumagamit ng cocaine ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Kapag nangyari aniya ito ay malaki ang epekto sa imahe ng bansa dahil pagtatawanan na lamang ang mga mambabatas na dapat ay ehemplo sa taumbayan.

Mas maganda aniyang gawin ng pamahalaan ay tanging mga suspected lamang sa iligal na droga ang isailalim sa drug testing at hindi lahat ng mga kawani ng gobyerno.