--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipatutupad simula ngayong araw ang pagsusuot ng face mask ng mga kawani ng pamahalaang lokal ng Cabatuan, Isabela.

Ito ay matapos magpositibo sa antigen test ang dalawang nasa ilalim ng Government Internship Program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Bernardo Garcia na simula ngayong araw ay lahat ng mga kawani na papasok sa kanilang trabaho sa LGU Cabatuan ay nakasuot ng facemask upang maiwasan na magkaroon ng hawaan sa COVID-19.

Isasailalim din  ang lahat ng mga kawani ng pamahalaang lokal sa antigen test ngayong araw.

--Ads--

Ang dalawang nasa ilalim ng Government Internship Program na nagpositibo sa antigen test ay nakitaan ng sipon at ubo kaya pinauwi agad para mag-isolate at lahat ng kanilang close contact ay naka-isolate na rin.

Isinailalim na rin sa disinfection at paglilinis ang buong munisipyo at tuloy ang transaksyon sa pamahalaang lokal.

Tinig ni Mayor Bernardo Garcia.