--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay ang isang manggagawa matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa Diego Silang, Diffun, Quirino.

Ang biktima ay si Rudy Atrascion, 32 anyos, at naninirahan sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng Diffun Police station, , mabilis na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng lansangan sakay ng motorsiklo nang hindi mapansin ang palikong bahagi ng daan kaya’t siya’y dumiretso hanggang sumalpok sa isang puno.

Tumilapon ang biktima at nagtamo ng malalang sugat sa katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

--Ads--

Nasa impluwensiya umano ng alak ang biktima nang mangyari ang aksidente sa daan.