--Ads--

CAUAYAN CITY- Lumubog ang isang bangka matapos ang matataas na alon at pagtama ng kidlat sa karagatan na bahagi ng Brgy. Zabali, Baler, Aurora.

Nasa maayos namang kalagayan ang sakay ng bangka na si Romel Mapindan, kuwarenta’y uno anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Ryan Joe Arellano, Assistant Public Information Officer ng Coast Guard Northeast Luzon District kanyang sinabi na habang nasa dagat ang biktima ay bigla umanong nagkaroon ng thunderstorm.

Aniya dahil dito ay lumaki ang mga alon sa dagat at kumidlat pa sa tabi ng bangka dahilan kaya’t tumaob ito.

--Ads--

Kaagad namang nakita ng ilang mangingisda ang pangyayari at dito na sila humingi ng tulong sa mga otoridad at kaagad naman silang nagsagawa ng search and rescue operation at ligtas na nadala sa pampang ang biktima.

Mabuti na lamang umano at mayroong aparato na gamit ang mangingisda dahilan kaya’t hindi siya naapektuhan ng kuryente mula sa kidlat.