CAUAYAN CITY – Mapalad na nakaligtas mula sa panganib ang isang nakatulog na mangingisda matapos na lumubog ang sinasakyan niyang motorbangka sa karagatag sakop Dimalwade, Dinapigue, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard ENS Jessa Pauline Villegas ang tagapagsalita ng coast guard District Northern Luzon, sinabi niya na mag isang lumayag ang mangingisda na si Ogie Usbal noong March 23, 2024.
Aniya nakatulog ang mangingisda at nagising na lamang dahil sa malalakas na alon, napadpad na pala ang motor bangka sa mababaw na bahagi ng dagat at tumama sa bato kaya bahagya itong lumubog.
Agad namang nakapunta sa pampang ang Mangingisda, mapalad na may malapit na post ang Coast Guard Sub-Station Dinapigue sa lugar kaya agad siyang napuntahan at iniahon ang bangka.
Bagamat matataas ang alon ng karagatan ay wala namang inilabas na abisong ipagbawal ang pag palaot ng araw na iyon, gayunman pinaalalahanan ang mga mangingisda na huwag lumayag kung masama ang panahon o kaya ay may pag-ulan.











