--Ads--

CAUAYAN CITY – Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga kasapi ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO)  na tugisin ang mga kasamahan ng napatay na top most wanted person nationwide na si Willy Sagasag.

Ito ay upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 4 na pulis na sina PO3 Crizaldo Lawagan, PO2 Jovenal Aguinaldo, PO1 Charles Ryan Compas at PO1 Vincent Paul Tay-od.

Ang  mga nasugatan ngunit nasa maayos nang kalagayan ay sina P/Sr. Insp. Edward Liclic, P01 Ferdie Liwag at PO1 Ferdinand Asuncion.

Matatandaang nakipagbarilan sa mga pulis si Sagasag at kanyang mga kasama nang isilbi noong umaga ng Martes ang warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa mga kasong murder laban kay Sagasag.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dela Rosa na sa kabila ng mga kinakaharap na isyu at kontrobersiya ng ilang pulis ay   mas maraming tapat na pulis sa kanilang serbisyo at iilan lamang ang mga police scalawag.

Nagbigay ng tulong pinansiyal ang PNP Chief at pamahalaang panlalawigan ng Kalinga sa mga pamilya ng nasawing pulis at lahat ng mga gastusin sa ospital ng mga nasugatang pulis ay sasagutin ng Provincial Government ng Kalinga.

Inihayag naman ni Governor Jocel Baac na malaking bagay ang pagbisita ni General Dela Rosa sa lalawigan ng Kalinga para magkakaroon ng high morale ang kapulisan.

Matapos ang pagdalaw ng PNP Chief sa lalawigan ng Kalinga ay nagtungo siya sa Santiago City at ngayong araw ay magsasagawa siya ng command conference sa lalawigan ng Quirino.