--Ads--

Pabor ang isang Human Rights Lawyer sa utos ni Bagong PNP Chief Gen. Nicolas Torre na pangalagaan ang karapatang pantao sa kabila ng pagpapatuloy na kampaniya kontra iligal na droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty.Domingo Egon Cayosa isang Human Rights Lawyer, sinabi niya na maganda at nagkaroon na ng bagog kautusan sa mga pulis upang gampanan ang kanilang tungkulin na hindi inaabuso ang batas.

Aniya tama na magkaroon ng performance based o accomplishment base para sa promotion at sa pagbibigay ng insentibo sa mga pulis na tumutugon sa tungkulin subalit hindi aabusuhin ang batas, igagalang ang due process maging karapatang pantao.

Wala ding nakikitang mali si Atty. Cayosa sa pahayag na may karapatan ang sinomang pulis na ipagtanggol ang kanilang sarili kung sila ay nailalagay sa bingit ng kamatayan.

--Ads--

Aniya malinaw sa batas na sila ay may karapatang ipagtanggol ang knailang sarili at ang baril ay hindi para pumatay kundi para magtanggol.

Nakaktuwa aniya dahil sa magatal na panahon na pagdanak ng dugo sa kampaniya kontra iligal na droga ay nagkaroon ng mandado para sa pangangalaga ng karapatan ng mga akusado.